Tuesday, June 4, 2013

Ang Katangian ng Wikang Filipino at ng iba pang mga Wika sa Mundo




Sinulat ni: Paulo C. Dorongon

Ang wika ay pantao
          Ang wika ay pantao dahil ito and makataong pamamaraan ng pagpapahayag ng ating mga kaisipan,saloobin o damdamin.Ito rin and pinakakasangkapan ng pagpapalitan ng ideya,kuro-kuro, atbp.Ang tao ay may kakayahang gumamit ng wika dahil napapaunlad niya ito.Nakabubuo siya ng mga tunog na may kahulugan at hindi gaya-gaya lamang.
Ang wika ay arbitrary
          Ang wika ay arbitraryo sa dahilan na ito ‘yong mga salitang pinagkasunduan ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-araw na pamumuhay.Dahil sa arbitraryo, nakakabuo ang mga tao ng iba’t ibang salita na sila lamang ang nagkakaunawaan.Isang halimbawa nito ang salitang  “tsibog” na ang ibig sabihin ay kakain na.
Ang wika ay natatangi
          Ang wika ay natatangi sa dahilan na ito ang ating pinakainstrumento sa komunikasyon.Dahil ito’y natatangi ikanga,tayo’y pinagbubuklod-buklod at pinag-iisa para lalo pang paunlarin ang wikang mayroon tayo ngayon.Ito rin ang dahilan kung bakit napapanatili ng bawat isa ang magandang pag sasamahan o pagkakaibigan.Ito rin and dahilan kung bakit tayo’y nakabubuo ng mga ideyang kaakit-akit para mapakinabangan ng ibang taong lubos pang nangangailangan ng kaalaman.
Ang wika ay nagbubuklod ng bansa
          Kung walang wika,wala tayong matatag na bansa.Ang wika ay nagbubuklod ng bansa dahil ( halimbawa) alam natin na noong unang panahon ay sobra ang kalupitan ng mga dayuhan partikular na and mga Kastila.Dahil sa wikang Filipino,binuklod nito ang ating mga ninuno/bayani na isulong ang pag-aalsa sa pamamagitan ng pagsulat ng mg a kwento at iba’t ibang babasahin na parang sila-sila lang ang nagkakaunawaan.Dahil sa walang kamalay-malay ang mga Kastila kung ano ang mga ‘yon,nakamit ng ating mga kababayan ang kanilang inaasam.
Ikanga ang wika at kultura ay ‘di mapaghihiwalay
          Tama! Sa dahilan na ang bawat wika ng mga tao saan mang panig ng mundo ay nakabatay sa kung anong kultura mayroon sila.Dahil din sa kulturang angkin ng kanilang bansa,lubos nila itong napapaunlad dahil pinagbubuklod sila ng kanilang wikang ginagamit.Ano mang kultura mayroon tayo, itong wika ang syang kumukuntrol

8 comments:

  1. "Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay" ano po meaning nun

    ReplyDelete
  2. Paano po yung "Ang wika ay malikhain." ??

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. I'm a student please make a english version with right grammar and aslo reply

    ReplyDelete